Unang beses na ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang na siya’y isa nang lola, kasabay ng pahayag tungkol sa hirap na dinanas ng kanyang anak na si Mae matapos malaman ng dating partner ni Pokwang, si Lee O’Brian, ang tungkol sa pagbubuntis nito.
Apo ni Pokwang, Isang Blessing
Sa panayam kay Boy Abunda, inamin ni Pokwang na apat na taon na ang kanyang apo, isang malusog na baby boy.
“May apo na ako, four years old. I’m a lola and it’s another blessing,” ani Pokwang.
“Another blessing ng buhay ko. Another reason na ipagdasal ko ‘yung sarili ko na humaba pa ‘yung buhay ko para makita ko ‘yung paglaki niya… I’m a proud lola.”
Kwento ni Mae
Sa parehong panayam, ibinahagi ni Mae na halos mapalayas siya mula sa kanilang tahanan dahil sa kanyang pagbubuntis, ayon umano sa kagustuhan ni Lee O’Brian.
“Gusto akong palayasin ng ex niya sa house because I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why,” ani Mae.
“Tsaka between me and him, parang mas ako ‘yung may karapatan na nasa bahay, hindi siya kung tutuusin.”
Sa kabila ng kanilang sitwasyon, sinabi ni Mae na hindi pa sila nagpapakasal ng kanyang partner dahil mas nakatuon sila sa paghahanda para sa kinabukasan ng kanilang anak.
Reaksyon ng Netizens
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang excitement na makita ang larawan ng apo ni Pokwang.
Sa palagay mo, tama bang palayasin ang anak anakan kung nabuntis ito ng hindi inaasahan?