Lubos ang pasasalamat ni Andrea Brillantes matapos siyang kilalanin bilang Top 1 sa prestihiyosong “100 Most Beautiful Faces” ng TC Candler. Sa kanyang video message, ibinahagi ng aktres ang kasiyahan at inspirasyon na dulot ng parangal.
Pahayag ni Andrea:
"Napakalaki pong honor na maging Top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler kaya thank you so much po sa TC Candler for this recognition at sa lahat ng sumusuporta sa akin."
Dagdag pa niya, ang pagkilalang ito ay hindi lamang tungkol sa kagandahan kundi pati na rin sa kumpiyansa, pagiging natatangi, at pagtanggap sa sarili.
"This isn’t just about beauty, it’s about confidence, uniqueness, and embracing who you are. Kaya sana ma-inspire ko po kayong lahat to celebrate your own kind of beauty," ani ng Kapamilya star.
Top Contenders
Pumangalawa sa listahan si Jisoo ng sikat na K-Pop group na Blackpink, habang nasa ikatlong puwesto ang Canadian chess player na si Andrea Botez.
Iba pang Pilipinong Pumasok sa Listahan
Maliban kay Andrea, ilang Pinoy celebrities din ang pasok sa Top 100:
- Janine Gutierrez - ika-28 puwesto
- Liza Soberano - ika-31 puwesto
- Belle Mariano - ika-52 puwesto
- Ivana Alawi - ika-69 puwesto
- Aiah Arceta (BINI) - ika-88 puwesto
Andrea’s Inspiring Journey
Si Andrea, na kilala sa kanyang mga dekalibreng pagganap sa TV at social media presence, ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Ang bagong tagumpay na ito ay muling nagpapatunay sa kanyang pagiging youth icon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ano ang masasabi mo sa bagong milestone na ito ni Andrea? Sino pa kaya ang deserving mapasama sa susunod na listahan?