Emosyonal na ibinahagi ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao ang sinapit ng kaniyang unang kasal sa isang Italian businessman. Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Miriam na ang kanilang relasyon ay nauwi sa masakit na hiwalayan matapos siyang ipagpalit sa isang mas batang Brazilian model.
"He Swept Me Off My Feet"
Ayon kay Miriam, nagsimula ang lahat bilang isang magandang love story.
"I met this Italian, he pursued me, he proposed. And of course, he was my dream man. So, I said yes and he swept me off my feet."
Nagpakasal sila sa Boracay, at iniwan niya ang lahat sa Pilipinas upang sumama sa kanyang asawa sa Hong Kong. Ngunit sa kabila ng magagandang alaala, matapos ang dalawang taon at kalahati, natuklasan niyang mayroon nang iba ang kaniyang asawa.
"He fell in love with a much younger Brazilian model," ani Miriam, na inaming labis na nasaktan sa pangyayari.
Pinili ang Kapayapaan
Bagama’t gusto niyang ipaglaban ang kanilang kasal bilang legal wife, dumating ang punto na kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas upang humingi ng suporta mula sa kaniyang pamilya.
"Ayaw kong iwan ang relationship na ito kasi ako ang legal wife at gusto kong ipaglaban, pero dahil sobrang sakit nito, kailangan ko ng support ng parents ko."
Nang ialok ng kaniyang mister ang divorce, tinanggap na rin ito ni Miriam, dahil ramdam niya na mananatili siya sa masakit at unhealthy na relasyon kung hindi siya bibitaw.
"Parang ikamamatay ko na kapag nanatili pa ako," dagdag niya.
Masayang Buhay sa Kasalukuyan
Sa kabila ng masakit na nakaraan, natagpuan ni Miriam ang panibagong pagmamahal sa kanyang kasalukuyang asawa na si Eduardo Roberto, Jr., na ngayon ay nagbibigay sa kanya ng masayang pamilya at tahimik na buhay.
Ikaw, paano mo haharapin ang ganitong klaseng pagsubok? Ano ang masasabi mo sa desisyon ni Miriam na piliin ang kapayapaan kaysa sa toxic na relasyon? Ibahagi ang iyong opinyon sa comments!