Si Jervi Wrightson, na kilala bilang Kaladkaren, ay naging viral sa social media matapos mapansin ng mga fans ng It’s Showtime ang kakaibang pangyayari sa isa sa kanyang mga eksena sa noontime show.
Sa nasabing video, nakitang gumagalaw pataas at pababa ang buhok ni Kaladkaren, na parang may isang invisible force ang kumokontrol dito.
Ikinumpara ng mga netizen ang insidente sa nangyari kay Claudine Barretto noong 2005 habang kinukunan ang isa sa mga eksena ng pelikula niyang “Nasaan Ka Man,” kung saan nakitang gumagalaw ang kanyang buhok mag-isa.
Gayunpaman, naniniwala ang mga netizen na isang sinulid na hindi nakita sa camera ang dahilan ng paggalaw ng buhok ni Kaladkaren.
“I think may mga sumabit lang kay Kim. Gumagalaw pag gumagalaw si Kim eh,” sabi ng isang netizen.
“Spider web lang siguro, nakasabit sa hair nya & kay Kim. Parang sapot lang ang ganyan katibay & at the same time hindi kita,” paliwanag ng isa pang netizen.
Hanggang sa ngayon, wala pang reaksyon ang TV host sa mga komento ng mga netizen.
Ano kaya ang tunay na dahilan sa kakaibang paggalaw ng buhok ni Kaladkaren?