Nag-viral sa social media si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos mapansin ng netizens ang kalidad ng mga video na kanyang ipinopost, na kuha gamit ang kanyang sariling cellphone.
Napansin ng ilan na parang lumang modelo ng cellphone ang gamit ni Vico, dahilan para magtanong ang netizens kung hindi ba interesado ang alkalde ng isa sa pinakamayayamang lungsod sa bansa sa pinakabagong gadgets.
“Bakit parang cellphone ni Arman Salon gamit mo, Mayor?” birong komento ng netizen na si Chi.
“Mayor, papayagan ka namin gamitin ang kaban ng bayan pambili ng phone please,” hirit pa ng isa pang netizen.
Sa kabila ng mga birong ito, may ilan ding pumuri kay Vico dahil sa simpleng pamumuhay nito, isang palatandaan umano na hindi siya materialistic.
“Low quality man ang phone, high quality naman ang governance at serbisyo,” ayon sa netizen na si Starph.
Maging si Vico ay natawa na lamang sa reaksyon ng publiko.
“Dami kong magandang sinabi, pinagtatawanan niyo phone ko!!” biro ni Vico.
Samantala, patuloy ang kampanya ni Vico para sa muling pagtakbo bilang alkalde ng Pasig City, kung saan siya kilala sa kanyang mahusay na pamamahala.
Ikaw, ano ang mas mahalaga para sa iyo: high-quality gadgets o high-quality public service? Ibahagi ang iyong opinyon sa comments!