In-activate na muli ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang kanyang official Facebook page matapos itong pansamantalang i-deactivate kasunod ng kontrobersiya sa pagitan nila ng kanyang ka-loveteam na si Anthony Jennings.
Naging sentro ng matinding pangba-bash si Maris matapos kumalat sa social media ang umano’y intimate conversations nila ni Anthony. Marami ang nakisimpatya sa ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva, na siyang naglabas ng mga screenshot ng kanilang pribadong usapan na naging viral online.
Sa kasalukuyan, ang pinakahuling post ni Maris sa kanyang Facebook page ay isang endorsement video na ibinahagi noong Disyembre 2.
Pareho nang humingi ng paumanhin sina Maris at Anthony hinggil sa isyu ng umano’y cheating. Gayunpaman, hati pa rin ang opinyon ng netizens—may mga nananatiling fans, ngunit marami rin ang tila hindi pa nakaka-move on mula sa eskandalo.
Sa gitna ng lahat ng ito, isang tanong ang bumabagabag: Ang paghingi ba ng tawad ay sapat para mabura ang sugat ng pagtataksil, o nananatili ang marka ng kontrobersiya sa mundo ng showbiz?