Ipinagmalaki ng aktres na si Andrea Brillantes ang matinding suporta na natanggap ng kanyang dance video mula sa ABS-CBN Christmas Special, na umabot na sa 32 million views.
Sa kanyang Instagram story, inihayag ni Andrea ang kanyang kasiyahan nang malaman ang milestone ng video.
"Also I didn’t know 32M views na toh?? Wild!!" ani ni Andrea.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga tagahanga sa walang-sawang suporta.
"Thanks for the love guys!!" dagdag ng aktres.
Ang nasabing performance ay isa sa mga highlight ng Christmas Special ng ABS-CBN, kung saan nagpakitang-gilas si Andrea sa kanyang dance moves na talaga namang tinangkilik ng netizens sa iba’t ibang social media platforms.
Andrea’s Viral Dance Video
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-viral ang mga content ni Andrea, na kilala rin sa kanyang aktibong presensya online. Ang tagumpay ng kanyang dance video ay muling nagpapatunay sa kanyang pagiging isang top-tier influencer at performer sa entertainment industry.
Ikaw, napanood mo na ba ang viral dance video ni Andrea? Ano ang masasabi mo sa kanyang performance?