Sa gitna ng kanyang hangaring tumakbo bilang kongresista ng nag-iisang distrito ng Las Piñas, ipinaalala ni Senator Cynthia Villar ang naging kagandahang-loob ng kanilang pamilya sa mga residente ng lungsod.
Sa isang video mula sa isang event sa Las Piñas, narinig si Villar na binanggit ang desisyon ng kanilang pamilya patungkol sa pamamahagi ng mga lupaing pagmamay-ari nila. Ayon sa senadora, maaaring magbago ang kanilang isip sa pagbibigay ng lupa kung hindi sila susuportahan ng mga botante sa darating na eleksyon.
Pahayag ni Sen. Villar
“Kaming apat na lang po ang magde-decide kung ibibigay sa inyo ang lupang ito,” ani Villar.
“Sana tanawin niyo sa amin ‘to kung ibibigay namin sa inyo [ang lupang ito], malalaman namin sa eleksyon kung tatanawin niyong utang na loob ang pagbibigay namin ng lupa sa inyo.”
Dagdag pa niya:
“Sana ipakita niyo sa amin na kami ay susuportahan niyo sa darating [na] 2025 election. Ipakita niyo sa amin ang appreciation niyo kasi pag hindi niyo ipinakita sa amin, baka magbago ang isip namin ang pagbibigay sa inyo ng lupa.
“Kung makita namin na hindi niyo pala kami mahal, dapat ba naming mahalin rin kayo?”
Reaksyon ng Publiko
Umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang pahayag ni Villar. Ang ilan ay pinuri ang kanilang pamilya sa pagbibigay ng lupa, ngunit may iba rin na pumuna sa tila pagpaparamdam ng "utang na loob" kapalit ng suporta sa eleksyon.
Sa iyong opinyon, tama bang iugnay ang tulong sa komunidad sa pagsuporta sa eleksyon?